Sa wakas, may maisusulat na naman ako dito. After mommy died, nawalan na ako ng gana mag-blog. And I was thinking, kung magpo-post ulit ako, it has to be about the time my mom passed away kasi hanggang sa ngayon malungkot pa rin ako. Ang tagal-tagal kong iniisip kung pano ko isusulat...like, will it start from the time na nahospitalize si mommy or do I just go straight to the time time na nawala na siya...stuff like that. Pero pag umupo naman ako sa harap ng computer, wala naman lumalabas...nakatulala lang ako. So I decided not to post first...until one day, na may pinakita sa akin si Angela na ginawa niya. Kaya ito na po...gawa 'to ni Angela one Sunday afternoon...

"08/27/06
Ang mga alaala: Naranasan nyo nabang magkaroon ng malolonkot na alaala. Pwes ako meron akong malulunkot na alaala dati nung buhay pa ang akong Lola masayang-masaya kami noon pa nga ginagawa o tinitiis pa ni Lola ang kanyang sakit para lang sa akin iniisip ko kung Bakit tinitiis pa ni Lola ang sakit nya pero nung isang araw pumunta yung nag aalaga kay Lola at ang sabi nya na may sakit ho ang Lola ni Angela at agad kaming pumunta sa tinitirhan ni Lola namita namin si Lola na mataas ang Lagnat ang nanginginig iyak ng iyak si mama at sabi ni mama dadalhin namin kayo ki Angela sa makati med ha at umoo din si Lola agad kaming pumunta sa ospital nakalipas ang mga araw nka uwi na dun kami at kailangan nalang namin si Lolang alagaan at nung nagpa check-up kami sinabi ng doktor na critical na daw ang katawan ni Lola at mahina na dao siya kaya pina tuloy niya muna kami sa ospital at kinabukasan napaka Lungkot ng araw ng biglang nag hihingalo na si Lola at mamaya maya ay hindi na siya humihinga nalaman ko nalang na patay na si Lola ako naman ngayon ang iyak ng iyak halos naubos na ang tisyu at nung ililibing na si Lola si mama ulit ngayon ang umiiyak at si Papa ako hindi ako umiyak dahil paka maubos nanaman yung tisyu eh hahaha.
The end"
Back-to-back na Grade 2 pad paper ito...at script pa ang pagkakasulat. Pasensya na at walang perion...hindi pa yata nila napag-aaralan ang punctuation marks sa school. Naloka ako...naiyak ako sa gitna, bigla akong natawa sa huli. I guess, ito na nga ang summary of everything that happened.