Dec 23, 2006
Inggit

This started isang gabi na nakatayo ako sa ilalim ng lamppost habang naghihintay ng tricyle papalabas ng better living. Wala lang....nagsimula sa isa, hanggang sa marami pala itong mga ito.

Naiinggit ako sa....

...mga taong pwedeng gastusin ang 13th month pay nila for their own caprices without feeling guilty about it.

...mga taong merong 6880, N70 o N73 kasi ito ang mga pangarap kong celphones. Hint, hint sa mga gustong mag-regalo (asa pa ako 'no?).

...mga taong mataas ang AHT, mataas ang offer rate, sales rate, PPH, CPH, qa, etc...in short, mga taong nakakaabot ng metrics nila.

...mga AMO, MO, QA, AVP, VP, President...in short, yung mas matataas ang sweldo kesa sa akin. Although I don't envy their jobs...gusto ko lang yung sweldo.

...mga taong balingkinitan ang katawan (take note, hindi patpatin...balingkinitan)...for obvious reasons.

...mga taong makikinis ang mukha...basta gusto ko rin yon.

...mga taong marunong mag-dala ng damit.

...mga taong outspoken dahil kaya nila sabihin ang gusto nilang sabihin.

...mga taong di kalakihan at di kalaparan ang paa kasi hindi mahirap hanapan ng sapatos.

...mga taong magaganda ang boses dahil pangarap ko rin ang maging singer (pwede, walang tatawa).

...mga taong bata pa pero mature na ang pananaw sa buhay...dahil ako yata ang kabaligtaran ng mga ito.

...mga taong magaling mag-sulat at gumawa ng entry sa blog.

...mga taong kayang gawing napakaganda ang mga layout sa blog nila.

...mga taong close sa siblings nila na halos barkada na ang turingan nila sa isa't isa (hi Karen!)

...mga taong may mala-APO na friendship

...mga taong malakas ang loob na mag-apply for a higher position (never really tried it, probably because I never really qualified).

...mga taong athletic.

...mga taong malakas ang loob na sumali at nananalo sa Game k na Ba, Deal or no Deal, Pera o Bayong, etc.

...mga taong may bahay at lupa.

...mga taong walang utang.

Hindi ito wish list...dahil kung wish list ito at natupad ito lahat...grabe, perfect na ako. I'm sure kulang pa ito dahil hindi ito matatapos dito.

Pero ito lang ang masasabi ko: I'm sure meron din silang kaiinggitan sa akin - si Angela, si Dong, my bro Paul and sis-in-law Marie, si Ate Doris, ang mommy ko (sumalangit nawa), Pricks (mahirap isa-isahin...), and friends that have been there for the longest time kahit di na kami masyado nagkikita but still manage to keep in touch.

 


Posted at 05:25 am by genepearl2001

 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments







Previous Entry Home Next Entry

CANCER

emotional • loving • intuitive • imaginative • shrewd • cautious • changeable • moody • touchy


   





<< December 2006 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02
03 04 05 06 07 08 09
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
31







friends
karen kristie
ivyjelly
angelfire
tina
poisonivy
dog pound
dj
louanne
dia
jershey
cathy
romi
jon'es

credits
allfreeclipart.com




Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed